Pinasingawang SapSap

Subukin ninyo ang pinasingawang sapsap. Naiiba ito sa karaniwang pangat na niluluto ninyo. Lalo kpag malalaki ang sapsap at sariwang sariwa. Mura pang di hamak kaysa lapulapu,talakitok, o bangus.

Mga sangkap:

1/2 kilong sapsap, malinis na

1/2 kutsaritang asin

katas ng 2 kalamansi

Sawsawan:

3 kutsarang tonato ketchup

1 kutasarang toyo

1 kutsarang oyster sauce

1/2 kutsaritang asukal na pula

1/2kutsaritang hot sauce (chili sauce)

4 kutsarang tinadtad na sibuyas na mura

Pasingawan ang sapsap na hinalayhay ng maayos, isa-isa sa steamer, sa loob ng 5 minuto pa. Pagkatapos ihalayhay nang maayos sa bandehado,at ihaing mainit.

Ihanda ang sawsawan. Paghaluin ang lahat ng sangkap,ilagay sa isang maliit na mangkok at palamigin sa refrigerator sa loob ng 30 minuto,bago ihain sa mesa.

Posted under

This post was written by admin on October 10, 2010

Leave a Comment

Name (required)

Email (required)

Website

Comments