KAPAG panahon ng dalagang bukid,napakasarap gawing fishballs. At kung itoy isasama sa sotanghon na may sabaw na manok,puwede ng ihain sa pihikang bisita nyo.
MGA SANGKAP:
8 maliliit na dalagangbukid,o 4 na malalaki,nalinis na
1/4 kilong sotanghon,ibabad ng 10 minuto
1/2 puwelong sibuyas na mura o sang na tinadtad
6 na butil ng bawang,pinitpit
1 sibuyas,tinadtad
1 kutsaritang asin
1/2 kutsaritang pamintang durog
1 itlog,binati
2 kutsaritang arina
2 pusweong tubig
2 puswelong sabaw na manok
1 kutsarang atsuwete,binabad at kinatas sa 1/2 puswelong tubig
2 kutsarang vegetable oil
Kayurin ang laman ng dalagangbukid. Tiyaking walang tinik na kasama s alaman.Ibabad sa arina at binating itlog. Timplahan ng 1/2 kutsaritang asin at 1/4 kutsaritang pamintang durog. samahan ng kutsaritang tinadtad na sibuyas na mura.
Halu- haluing mabuti at gawing maliliit na bola-bola.(Kutsarita ang gawing panghulma at hindi kutsara, para talagang maging maliit ang bola bola).
Pakuluan sa 2 puswelong tubig ang mga tinik na may kaunti pang laman na kakabit, at saka mga ulo ng isda. Bayaang kumulo ng 5 minuto. salain ang sabaw. pakuluang muli kapag wala ng tinik. Ihulog ng isa-isa ang mga bola bola,kapag lumutang na sa sabaw,hanguin. Patuluin. At itabi muna.
Igisa ang bawang. Hanguin kapag mapula na. Itabi muna. Igisa nag luya at isunod ang sibuyas. Isama ang bola-bolang isda. Halu-haluin. Ibuhos ang katas ng atsuwete. Halu-haluin upang huwag makulta ang sabaw. Kapag kumulo na, ihulog ang sotanghon. Takpan sa loob ng 5 minuto. Haluin, isama ang sabaw ng manok at ang sabaw na pinagpakuluan ng bola-bola. Timplahan ng natitirang 1/2 kutsaritang asin at 1/4 na pamintang durog. Halu-haluin. Takpan at bayaang kumulo sa loob ng 7 minuto pa. Ihaing mainit na binudburan ng ginisang bawang at tinadtad na sibuyas na mura sa ibabaw.
Posted under
This post was written by admin on October 10, 2010

