ITO ang uri ng putong niluluto pa rin sa katagalugan hanggang ngayon.
Mga sangkap:
3 kilong bigas (pinakamaganda,pinakamaputi)pilian,hugasan,ipagiling ng pino,salain,para maging galapong na pino (hindi malabnaw, at hindi rin naman malapot,katamtaman lamang)
1 puswelong asukal na puti
1 kutsaritang baking powder para sa bawat 3 puswelong galapong ( na husto sa isang pagsasalang ng bawat puto sa hurno)
2 pirasong katsang kuwadrado, husto sa hurno, isa sa ilalim, isa sa ibabaw ng ihuhurnong galapong
- Halu-haluin ang galapong s palanggana para hindi maging malabsa, at isamang unti-unti ang asukal. Haluing mabuti.
- Lagyan ng isang katsa ang hurno bago buhusan ng 3 puswelong galapong na hinalu-halo munang may kasamang isang kutsaritang baking powder. Takpan ng isa pang katsa sa ibabaw. Takpan ng metal na takip ang hurnuhan.
- Sa maluwang na kaldero o kawali, maglagay ng kaunting tubig na gagamitin sa pagpapasingaw sa gagawing puto. Dapat ay nakalubog ang “paa” ng hurnuhan. Mainam gawing “paa” ay
- ang metal na karaniwang patungan ng mga kaldero sa tabi ng kalan.) Maaring kalahati ng hurnuhan ay maabot pa rin ng tubig na kinalulubugan ng “paa”
- Mga isang oras pasingawan ang bawat puto.
Posted under
This post was written by admin on October 10, 2010


sana magawa ko po ng tama itong putong puti,tnx
ng umuwi ako ng pinas..nagawa ko to ng pamilya ko ng maayos ..pero na try ko ulit gawin ng bumalik ako di ko sya maayos..i tried twice..di ko alam kung ang problema ay sa klase ng bigas..pero susubukan ko ulit sya pag may oras ako hanggang magawa ko sya ng maayos