MGA SANGKAP:
3 kilong ube, nilaga at giniling o ginadgad ng pino
2 kilong puting asukal
3 latang malalaking gatas condensada
4 latang malalaking gatas evaporada
Sa isang malaking palanggana, pagsama-samahin ang ube,asukal,gatas na malapot at malabnaw. Haluing mabuti.
Ibuhos sa isang tatso o kaya ay kawaling malaki. iluto sa mahinang apoy upang huwag manikit sa ilalim at hindi masunog. Panayin ang paghahalo sa loob ng 3 oras. Tikman pag medyo malapot na. Pag kulang sa tamis, lagyan ng isa pang lata ng condensada. Pag labis ang lapot,lagyan ng isa pang lata ng evaporada.
Paghati-hatiin ang halaya sa malalakit maliliit na lalagyan. Palamigin bago ihain sa mesa.
Posted under
This post was written by admin on October 10, 2010

