Karaniwan itong niluluto sa panahon ng Simbang Gabi, at malapit na ang pasko.Isa itong paboritong iniuuwi ng mga kabataang nagsisimba sa kanilang mga pamilyang tinanghali ng gising.
Mga Sangkap:
2 kilong magandang bigas,piliin,hugasan,ipagiling,salain
2 puswelong kaning lamig o bahaw,isama sa paggiling ng magiging galapong
2 puwelong asukal n aputi
5 kutsarang baking powder
1 binating itlog para sa bawat hurno
1 kutsaritang asukal na puti,pambudbod
1/2 itlog na maalat,hiniwang maninipis, pampalamuti sa ibabaw o kaya ay kesong puti ng laguna, hiniwa ring maninipis, papalamuti
1 kutsarang margarina,pampahid sa ibabaw ng luto ngbibingka
- Samahan ang galapong ng kaning bahaw at asukal na puti. Haluing mabuti at lagyan ng baking powder. Tuwing maglalagay ng galapong sa hurnuhan, haluan ng isang binating itlog.
- Ihurno ng may wax paper sa ilalim ng hurnuhan ag isang puswelong galapong at mga sangkap. Lutuin sa baga sa ilalim at sa ibabaw ng bibingka, s aloob ng kalahating oras.
- Kapag luto na, lagyan ng mga pang-ibabaw na sangkap. Ihaing maiinit.
- Maghain ng kinudkod na niyog sa mesa, pambudbod sa bibingka
Posted under
This post was written by admin on October 10, 2010

