Maaring samahan ng sayote ang gulay na munggong may malunggay. Para maiba ang lasa. at makaganyak lalo sa mga kabataan na magustuhan ang ulam na to.
Mga sangkap:
1 puswelong munggo,ilaga,palambuting mabuti
2 puswelong dahon ng malunggay
1 puswelong sayote,hiniwang parang palito ng posporo
1/8 kilong hipon,nabalatan na
1 puswelong katas ng balat ng hipon
5 butil ng bawang,pinitpit
1 sibuyas,hiniwang pino
3 kamatis,hiniwang pino,walang buto
2 kutsarang vegetable oil
1 kutsaritang asin o 1 kutsarang patis
Igisa ang bawang,sibuyas, at kamatis sa mainit na vegetable oil. Isama ang hipon, halu-haluin at takpan ng 2 minuto. Isama ang nailaga nang munggo. Halu-haluin. Takpan ng 2 minuto. Isama ang katas ng balat ng hipon. halu-haluin hanggang kumulo. takpan sa loob ng 5 minuto. Timplahan ng asin o patis. Isama ang malunggay at sayote. Takpan at pakuluan ng isang beses lamang
Posted under
This post was written by admin on October 10, 2010

