Laing

Mga Sangkap:

20 dahong-gabi,kasama ang tangkay

1/2 kilong lomo.hiniwang maninipis

7 butil ng bawang,pinitpit

2 sibuyas,tinadtad

1 hiniwang maninipis na luya,tinadtad

7 siling pampaksiw,hinati ng pahaba,inalisan ng butohiniwang pino

4 na kutsarang bagoong na alamang

20 dahon ng tanglad

1 1/2 puswelong kakanggata

3 puswelong pangalawang gata

Alisin ang matigas na bahagi ng 20 tangkay ng dahong -gabi. Hiwaing pino. Isama ang lomo,sibuyas,luya,siling pampaksiw,at bagoong. haluing mabuti. ito ang gagawing palaman sa dahong-gabi.

ilatag ang isang dahong buo,kutsarahan ng hustong sangkap sa gawing gitna nito, at lagyan ng isang kutsaritang kakanggata. Ilupi ang dahon at baluting mabuti ang mga sangkap, hanggang maging anyong halos kuwadrado ang pagkakabalot. talian ng isang tanglad.

Kapag natapos sa pagbabalot ng 20 dahong-gabi,itabi muna. pakuluan sa isang kawali ang pangalawang gata. halu-haluin hanggang kumulo ang gata. Isama ang pinitpit na bawang. Ihalayhay nang maayos ang 20 nakabalot na dahong-gabi sa sabaw ng pangalawang gata, kapag kumulo na. Hinaan ang apoy at takpan ang kawali. Pakuluan sa loob ng 20 minuto. Isama ang kakanggata. halu-haluin sa gilid ng kawali hanggang kumulo.Huwag takpan, hinaan ang apoy at bayaang kumulo ng marahan hanggang maglangis ang kakanggata.ihaing mainit.

Posted under

This post was written by admin on October 17, 2010

Leave a Comment

Name (required)

Email (required)

Website

Comments