Ginisang Munggo At Alugbati

Mga Sangkap:

3 puswelong dahon at talbos ng alugbati

2 puswelong munggo,hinde pa luto

1/2 puswelong hipon,nabalatan na

2 puswelong katas ng balat at ulo ng hipon

1/2 puswelong giniling na baboy

5 butil ng bawang,pinitpit

1 sibuyas,hiniwang maninipis

3 kamatis,hiniwang maninipis,tanggalin ang buto

4 puswelong tubig

3 kutsarang vegetable oil

1 kutsaritang asin

Ilaga ang munggo pagkaraang hugasan ito at palutangin ang mga matitigas na butil at dumi at itapon ito.( kung nais namang mas maging madali ang pagluluto ng munggo,ibabad magdamag,at itapon ang pinagbabaran kinabukasan. Hugasang mabuti ang munggo bago pakuluan sa 2 puswelong tubig na lamang.) Kapag kumulo na hinaan ang apot pakuluan ng marahan hanggang pumutok ang mga butil. hanguin sa sabaw. Itabi muna ang sabaw.

Igisa ang bawang,sibuyas, at kamatis. Isama ang giniling na baboy. Halu-haluin at isama ang hipon. Halu-haluin ng 2 minuto. Isama ang munggo. Timplahan ng asin. Halu-haluin. Isama ang sabaw. Takpan at pakuluan s amahinang apoy sa loob pa ng 10 minuto. isama ang alugbati. Pakuluan lamang ng minsan, at ihaing mainit.

Posted under

This post was written by admin on October 17, 2010

Leave a Comment

Name (required)

Email (required)

Website

Comments