Dinengdeng

Mga Sangkap:

1/2 kilong bangus,naprito na, inalisan ng tinik

4 puswelong kalabasa, hiniwang maninipis

2 puswelong bulaklak at talbos ng kalabasa,kinayod ang bulo sa tangkay

2 puswelong malunggay

2 puswelon gokra,hinati ng pahilis, 2 pulgada ang haba ng bawat piraso

2 puswelong sitaw, 2 pulgada ang haba

3 butil ng bawang,pinitpit

1 sibuyas,hiniwang maninipis

3 kamatis,inalisan ng buto,tinadtad

1 kutsarang patis

2 puswelong sabaw-sinaing

1 kutsarang vegetable oil

Igisa ang bawang,luya,sibuyas, at kamatis sa mainit na vegetable oil. Isama ang laman ng bangus, halu-haluin. Isama ang kalabasa. Halu-haluin. Ibuhos ang sabaw-sinaing. Halu-haluin.Takpan at pakuluin ng 10 minuto. Isama ang sitaw. Takpang muli. Pagkaraan ng 5 minuto,isama ang bulaklak at talbos ng kalabasa at okra. Halu-haluin. Takpan muli.Pagkaraan ng 2 minuto,isama ang malunggay at timplahan ng patis. Halu-haluin. Takpan. Pagkaraan ng 2 minuto,ihaing mainit.

Posted under

This post was written by admin on October 17, 2010

Leave a Comment

Name (required)

Email (required)

Website

Comments