MGA SANGKAP
1/2 kilong lomo ng baboy, hiniwang pakuwadrado, 1/2 pulgadang kapal
1/4 liempo ng baboy,hiniwang pakuwadrado,1/2 pulgadang kapal
100 gramong atay ng baboy, hiniwang pakuwadrado,1/2 pulgada ang kapal
2 patatas,hiniwang pakuwadrado, 1/2 pulgadang kapal
1 puswelong luto ng gabanzos,inalisan ng balok
1/2 kutsaritang asukal na puti
2 kutsarang toyo
5 butil ng bawang,tinadtad
2 sibuyas,tinadtad
6 kamatis,walang buto,tinadtad
1/2 puswelong vegetable oil, pamprito ng patatas
2 kutsarang vegetable oil,panggisa
2 puswelong tubig
1 dahong laurel
Iprito ang patatas sa kalahating puswelong vegetable oil. Itabi muna. Bawasan ang langis sa kawali hanggang maging dalawang kutsara lamang. Igisa ang tinadtad na bawang hanggang mamula. Isama ang sibuyas hanggang manganinag ang ayos. Isama ang kamatis at asukal. Halu-haluinĀ at takpan. Bayaang kumulo sa mahinang apoy s aloob ng 3 minuto. Lakasan uli ang apoy. Isama ang liempo. halu-haluin. Takpang muli at hinaan ang apoy.pakuluan sa loob ng 15 minuto.Isama ang lomo. halu-haluin. Takpan at pakuluin sa loob ng 5 minuto.Lagyan pa ng isang puswelong tubig. Halu-haluin.Isama ang luto ng garbanzos,piniritong patatas at atay. Timplahan ng toyo. Takpan at pakuluan pa sa loob ng 10 minuto. Ihaing mainit
Posted under
This post was written by admin on October 10, 2010








