Lomo At Pinya

Mga Sangkap:

1 kilong lomo ng baka (tenderlion)

1 maliit na lata ng pineapple slices

3 patatas,hugasan,pinagapat bawat isa may balat

1 lata ng tomato sauce

4 na butil ng bawang,pinitpit

2 sibuyas tinadtad

4 sibuyas na mura,tinadtad

1 pulang siling amerikano, hiniwa ng pahabang maninipis

1 kutsaritang asukal

1/2 kutsaritang asin

2 kutsarang toyo

1 puswelong vegetable oil

Hiwain nang maninipis ang lomo ng baka,pahaba. Ibabad sa toyo at sabaw ng de-latang pinya sa loob ng 30 minuto

Hiwain ang pinya nang isang pulgada bawat isa, Itabi muna.

Painitin ng isang puswelong vegetable oil. Iprito ang patatas hanggang mamula ang lahat ng bahagi. Hanguin. Patuluin.

Bawasan ang vegetable oil sa kawali. Gawing 2 kutsara lamang. Igisa ang bawang at sibuyas. Isama ang tomato sauce,asin, at asukal. Halu-haluin. Isama ang karne at pulang siling amerikano. Halu-haluin. Isama ang pinya,patatas, at sibuyas na mura. Halu-haluin sa loob ng isang minuto. Ihaing mainit.

Posted under

This post was written by admin on October 17, 2010

Leave a Comment

Name (required)

Email (required)

Website

Comments