Mga Sangkap:
1/4 kilong malambot na karne (sirloin).hiniwang maninipis
1/2 kilong ampalaya,hiniwa sa gitna,hiniwang pahilis nang maninipis,pagkaraang alisin ang buto
1 bungkos ng sibuyas na mura,hiniwang 1/2 pulgada
1 kutsarang tawsi
2 kutsarang vegetable oil
1 kutsarang asukal
Pambabad sa Karne:
1 kutsaritang tinadtad na luya
2 kutsarang toyo
1 kutsarang cornstarch
1 kutsaritang asukal
1 kutsaritang vegetable oil
Pantimpla sa Lutuin
1 kutsarang cornstarch
1 puswelong tubig
1 kutsarang oyster sauce
Ibabad ang karneng hiniwang 1/2 pulgadang lapad at maninipis, sa pinitpit at tinadtad na luya,toyo,cornstarch,asukal,at vegetable oil sa loob ng kalahating oras.
Maginit ng 2 kutsarang vegetable oil sa kawali. Igisa ang sibuyas na mura sa loob ng 10 saglit lamang. Isama ang karne. Halu-haluin sa loob ng 7 minuto. Hanguin. Itabi muna.
Sa natirang langis sa kawali,igisa ang tawsi. Isama ang ampalaya. Huwag haluin. Takpan lamang ng 2 minuto. Isama ang mga panimplang cornstarch na kinanaw s atubig, at oyster sauce. Bilingin lamang ang ampalaya, at halu-haluin ang sarsa sa tabi ng kawali nang hindi nagagalaw ang ampalaya. Kapag lumalapot na ang sarsa, isamang muli ang karne at bilingin pang minsan ang ampalaya. Takpan sa loob ng isang minuto. Ihaing mainit.
Posted under
This post was written by admin on October 17, 2010










